Usapan Kapatid

ang blog para sa atin! the cheapest way of communicating without feeling like you're missing out.

Thursday, June 23, 2005

Ayuz to.

Hey Bro...
I like this thing that we have here, ayos 'to! Makakapag-usap tayo, hayaan mo, i'll try and update a lot.

Anyway, ang drama mo naman... pero naiintindihan naman kita eh. Nami-miss na rin kita, alam mo ba yon? Lalo na si Vanessa, miss na miss ka na noon. Alam mo ba, nung nag-retreat kami sa Tagaytay tapos nag-text ka, sobrang na-miss kita. Tapos nalungkot ako kasi parang kapag nag-uusap tayo lagi na lang tungkol sa videogames and kababawan. I barely know you. Pero ganun, kahit naman magkalayo tayo pwede naman tayong mag-update sa isa't isa eh...

So, sige, mag-update muna ako. May work na ako dito, Quality Assurer sa Ginebra San Miguel Inc. pero 5 mos lang yun. Buti ka nga may mas permanent job ka na dyan, maswerte ka din at malaki ang kinikita mo. Siguro, mag-sorry din ako sayo dahil alam kong nagtatampo ka na sa akin dahil hindi na ako natuloy sa pagpunta diyan. Pasensya ka na, magulo lang kasi ang utak ko eh. Gusto ko pa ngang mag-aral ulit ng Medicine next year so malabo na talaga akong pumunta dyan. Sana maintindihan mo ko...

Buti ka pa nga, alam mo na ang gusto mo and you're living out your dream! Blessing na yan kaya sana hindi ka mag-regret na pumunta ka dyan. Alam mo ba na naiinggit ako sa pagiging independent mo? You're not trying hard to be independent because you already are and that's a good thing. At least hindi ka dependent kina Mama... pagbutihin mo lang dyan tapos kapag nakapagbayad ka na ng utang sa gobyerno eh makakauwi ka na rin at makakatulong ka na rin kina Mama. Sobrang proud ang mga yun sa'yo at miss na miss ka na nun. Lalo na si Papa, lagi ka nung iniisip. Nangungulila na nga yun ngayong si Vanessa ay nasa Manila na, laking tuwa siguro ng mga yun ng natanggap ako dito sa Lucena. At siyempre happy din ako kasi after 10 years na hindi ako tumira dito sa Lucena eh makakabawi ako. Sana in the future, makabawi ka rin, payaman ka dyan tapos tira ka ulit dito sa Pinas.

May girlfriend na nga pala ako ulit. Hindi na si Cheska/Kika. Pero yun, I want you to know. Her name is Tricia and she's one of the most understanding, kind, dedicated and loving persons I've ever met. Sobrang blessing na sinagot ako nun kahit na pasaway akong bata. One month pa lang naman kami and its going great so far! Although, yun nga, nandito ako sa Lucena tapos siya sa Manila kaya medyo mahirap. Gusto kang ma-meet nun, basta darating din siguro ang panahon. At ako rin, gusto ko nang ma-meet si Liz! She seems like a nice person from what I heard from Papa and Vanessa's stories. I'm sure you're blessed with a loving girlfriend kaya payo ko sayo, alagaan mo yan, minsan lang sa isang lifetime dumarating ang blessings.

Ano pa ba? Yun na lang muna. We love you bro and we'll always look out for you even from afar. Hopefully we can see each other soon, whether it'll be me going there or the other way around. Keep posting stuff here, kahit kwento mo lang ang araw mo. I'll do the same, I promise, and I'll ask Vanessa to make a blog too tapos isama natin siya dito. OK? Don't be too sad, enjoy life, take care of your girlfriend and pray! See ya. :)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home